Ang buhay ay waring gulong,
Minsan nasa taas, minsan nasa baba,
Sa baba'y maraming sakit at hirap;
Sa taas nama'y waring may bukas,
Ang buhay ko'y waring nasa ibaba,
maraming pasakit at hirap,
heto't nagsisipag at nagtiyatiyaga,
upang kalam ng sikmura ay maibsan
Ang buhay ko'y hindi ko maipinta,
para bang ang panulat ng buhay ko'y
nanuyo at nawalan ng tinta
walang direksyon at tamang pagtuko'y
Bawat araw,tila isang impyerno
walang makain, walang magawa,
parang konsyertong walang instrumento,
umaasang may ginhawang darating,
Ngunit sa kabila ng bawat hamon,
heto ako at handang lumaban,
gamit ang sariling kakayahan,
upang tagumpay ay aking makamtan.
Friday, July 13, 2007
Ang Buhay At Ako
Posted by Ladyelhisa at 10:37 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment